Huwag Maging Judgmental Sa Kapwa | Kristiano Drama (KDrama) | KDR TV
Halos pagsabayin na ng isang working student ang mga gawain sa paaralan at trabaho, magampanan lang ang mga obligasyon niya sa buhay. May epekto kaya sa kanya ang mga panlalait ng mga kapwa niya estudiyante?
Away Ng Pamilya At Kaibigan Dahil Lamang Sa Pulitika | Kristiano Drama (KDrama) | KDR TV
May malaking puwang sa puso ni Emman ang pulitika at social media. Hindi niya inakala na ang regalo niyang cellphone sa kanyang tatay ang magiging dahilan sa hindi nila pagkakaintidihan. Ano kayang pangyayari ang magpapabago sa pananaw ni Emman para isantabi ang pulitika alang-alang sa pagmamahal sa kanyang ama?
Huwag Gumanti Ng Masama Sa Masama | Kristiano Drama (KDrama) | KDR TV
Kilalang bully sa paaralan sila Raf at Renz. Isa sa madalas nilang gawing biktima ay ang mabait na si Cardo. Ano kaya ang igaganti ni Cardo sa dalawa kung magkaroon siya ng pagkakataon?
Huwag Mabalisa, Manalangin sa Dios | Kristiano Drama (KDRama) | KDR TV
Patung-patong na mga problema ang kinakaharap ni Dianne. Dahil dito, hindi niya alam kung kanino siya lalapit? Alamin kung sino ang pwede niyang matibay na pagsasaligan sa panahon ng kabalisahan?
Bigyan Ang Humihingi, Huwag Talikdan Ang Nangungutang | Kristiano Drama (KDRama) | KDR TV
Hindi nagpapautang si Mang Momoy sa kanyang mga paninda. Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa kaniyang pananaw sa buhay. Alamin kung ano ang nagbukas sa puso ni Mang Momoy para magpautang.
Gaano Ka Katapat Sa Iyong Salita? | Kristiano Drama (KDRama) | KDR TV
Nakapagbitaw ng pangako ang isang anak sa kanyang ina pero hindi niya natupad. Ano ang magiging epekto nito sa relasyon nilang mag-ina? Panoorin ang kwento na magbibigay ng aral sa pagiging tapat sa pangako.
Habang May Pagkakataon Ay Gumawa Ng Mabuti | Kristiano Drama (KDRama) | KDR TV
Araw-gabi, maraming mabuting pagkakataon tayong makakasalunga para makagawa ng kabutihan. Kung may pagkakataon kang makagawa ng kabutihan, sasamantalahin mo ba?
Ang Naaawa Sa Dukha Ay Nagpapautang Sa Panginoon
Nakaranas ng pang-aapi ang isang tindera mula sa kanyang customer. Maya-maya, nakita ng tindera na naholdap ang umapi sa kanya. Alamin kung ano ang igaganti niya sa pagmamaltrato sa kanya.